Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts

Mar 18, 2009

LP : Paboritong Alahas



Ang aking paboritong alahas ay ang aking mga hikaw! Bukod sa bags, ito ang isa sa aking mga koleksiyon. Mahilig ako sa "dangling", pa kikay ba! Hindi man sila mamahalin ngunit para sa akin sila ay mga "precious gems". Nakakalungkot nga lang sapagkat madami na sa mga ito ang nawalan ng pares...kung hindi nasira o napigtas...minsa naman ay nawala. =) Naalala ko pa nung una akong bigyan ng aking asawa ng ganitong hikaw...kinilig ako sapagkat nahalata niya na mahilig ako sa mga hikaw na ganito ang klase. Sayang nga lang at nasira na nag hikaw na iyun....mumurahin lamang kasi, binili nya lamang ata sa isang kakilala sa opisina. Ngunit masaya ako na binigyan niya ako ng kahit anu mang bagay basta galing sa kanya. Ang sweet di bah? Hay...tama na nga ang kilig factor na ito. Maligayang LP sa inyung lahat!!!!

Mar 11, 2009

LP : Blusa

Narito naman po ang aking lahok gamit ang aking sariling blog....sabi ko nga po kami ay dumalo ng kasal nung nakarang buwan. Ako po ay bihirang bumili ng damit....o blusa....ngayun lamang muli sa kadahilanang ang aking mga anak ay flower girl at coin bearer. Dalawin nyo po angaking isang BLOG. Hehehhehe Siyempre papayag bang magmukhang katulong ang mommy heheheh gayung ang daddy ay naka barong! ahahahha =)


Narito po AKO at ang ang aking blusa........=)

Mar 5, 2009

LP : Bag


Napakaganda ng Tema sa lingong ito. Bag! Alam nyo bang bukod sa sapatos, ang bag ang isa sa pinakapaboritong kolektahin ng mga kababaihan? Hindi ko alam kung bakit ngunit base sa sarili kong karanasan, ako mismo ay sadyang talagang mahilig sa bag. Kadalasan na aking paborito ay casual lamang na bags, ayoko ng masyadong pormal, kaya naman nahihirapan ako kung anu ba ang dadalhin ko tuwing me okasyon. Hindi ko alam kung anu na ang gagawin ko sa mga bags ko, hindi man kamahalan pero mahal na mahal ko sila. Sila ay parang koleksyon para sa akin. Kaya naman naisip ko na magbenta na din ng bags. ang nasa larawang ito ay kuha sa isang Bazaar ng Lopez Enterprizes. Sila ay original na gumagawa ng mga corporate giveaways pero ngayun ay nagbebenta na din ng bags. Kung nais nyo ang mga disenyong ito magsadya lamang sa Ishiethan Store. Maraming salamat po!!! At Maligayang LP!!!! Sa mga nais sumali, SALI na!!!!

I love this week's theme - Bag! did you know that aside from shoes, women also loves to collect bags? I don't know why but in my personal experience, I myself really love bags! My ussual bag is casual, I just don't like formal bags that's why I am having a hard time looking for formal bag to use. I actually don't know what to do with my bags anymore, they were not that epensive but I really love them! They were like my collections. Since I love bags, I decided to sell them. The picture above is taken during Bazaar of Lopez Enterprises. They were originally accepting corporate giveaways only but now they were also retailing thier bags. If you want these designs please feel free to visit Ishiethan Store. Thank you very much! Happy LP!!! Join us HERE!

Feb 11, 2009

LP : Puso / Toy Hunt : Toys that Shows Love


Happy Valentines to all!!! Here's my entry for this week's theme "toy that shows love" weheheeh! I have already posted it for Litratong pinoy that's why i am just editing it for Toy hunt. This is my daughter ISHI's stuff toy!


Eto na naman at nalalapit na ang araw ng mga puso....kung saan ang mga mag sing-irog ay masayang ipinagdiriwang ito. Makikita mo na naman ang mga naglipana na mga puso....pusong tigang at pusong nag uumapaw sa kaligayahan. Heheheheheh =)


Narito ang aking lahok sa tema ng lingong ito....."PUSO". Puso na hawak hawak ng isang munting teddy bear. Hindi ko na maalala kung kanino nanggaling ito at kung kanino ito. Sa aking palahay ay sa aking babaeng anak ang teddy bear na ito. Hindi naman siguro sa aking lalaking anak at lalong hindi sa akin yan sapagkat simula ng maging kagsintahan kame ng aking asawa'y isang beses nya lamang akong nabigyan ng stuff toy. Hehhehehehe =) Hindi naman sa nagpaparinig, nagsasabi lamang ng totoo. Nguni't hindi naman ako naghahangad ng anumang regalo sa aking asawa mula ng kami ay magkasintahan pa lamang, basta't siya ay nasa aking tabi lagi, masaya na ako. Mahal na mahal ko ang aking asawa! Higit pa sa mamahaling regalo ang pagmamahal na pinakita niya. Maligayang araw ng mga puso sa ating lahat!!! =)




Feb 4, 2009

LP : Tsokolate


Ang tsokolate.....ang napakasarap na tsokolate. Wala atang tao ang hindi kumakain ng tsokolate bukod na lamang sa me hindi normal na tiyan kagaya ng mga taong hindi kaya ang kumain ng gatas. Hay, bakit nga ba napakarasap ng tsokolate lalong lalu na sa mga bata at sa kababaihan. Ako'y masyadong mahilig sa tsokolate, kahit na nakakataba pa ito.
Pagmasdan nyo ang aking anak.....masydong masaya sa pasalubong nilang tsokolate mula sa Saudi!

Ang aking isang lahok ay narito - http://ishiethan.blogspot.com

Jan 22, 2009

LP : Kahel


Ang kahel and paborito naming flavor na inumin. Bagamat mahilig din kame sa iced tea, mas lamang ang kahel na inumin sa aming tahanan. Madalas ito ay kasama lagi sa aming bilihin. Ito ang paboritong baunin ng aking anak sa paaralan. Hmmm sarap nga naman ng inuming ito heheheh =)

(Orange is our favorite flovor of drinks. Although we also love Iced Tea, we just want orange more than any flavor at home. This is always in our groceries. This juice is my ISHI's favorite food in school. Hmmm this is such a declicous drink hehehhe =) )

Jan 10, 2009

LP : Pula

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!!! Ito po ang aking banat sa linggong ito para sa temang - PULA!

(Happy New YEar to all of you! This is my entry for this week's theme - PULA /RED!)

Ang Aking Pitaka (My Wallet)

Ang pulang pitakang ito ay isa sa mga pasalubong ng aking biyenan na babae noong nanggaling siya sa HOngkong noong nakaraan taon.
Bihira lamang akong gumamit ng kulay PULA, hindi ako ang tipo ng taong mahilig sa PULA. Ang aking paboritong kulay kasi ay DILAW. Ngunit hindi naman halos lahat ng aking gamit ay dilaw, iba't ibang kulay din ngunit ang pula ay hindi ko gaanung napagtutuonan ng pansin kaya nahirapan akong humanap ng aking lahok sa linggong ito ahahah!
Ang pula ay simbolo ng katapangan at pag-ibig. Napakagandang kulay din naman ng pula. Madami akong kakilala na mahilig dito.

(This wallet was one of my mother in-laws gift for me when she went to Hongkong last year!
I am not the type of person who uses red stuff. My favorite color is YELLOW. But not all of my stuff were yellow, there are also different colors. It's just that RED is not my thing that's why I had a hard time searching for anything red for this week's theme ahahah!
Red simbolizes bravery and LOVE. This is a beautiful color, I have several friends who loves RED very much!)

Dec 22, 2008

LP : Karoling


Ang aking mga anak (nasa kanan) ay masayang nanonood at nakikinig sa kanilang awitin.
(My kids (right side) were watching ang listening them sing.)

Ito po ang mga estudyante ng Theology sa sang seminaryo kasama ng PARI na nag misa sa aming komunidad (Eucharisitc Heart of Jesus). Sila ay nangaroling pagtapos ng MISA, ang gaganda ng boses ng mga kalalakihang ito. Ang mga magiging PARI pagdating ng araw. Ang aking isa pang Kuha ay nasa isa kong blog - My Little Angels.

Maligayang LP at maligayang PASKO sa ating lahat!

(These are the Theology student of the Priest who rendered a mass for us this Saturday evening in our community (Eucharistic Heart Of Jesus). They rendered us a christmas songs after the mass and our community gave them a simple token. They are the future priests. Please visit my other post - My Little Angels.

Happy LP and Merry Christmas to all of us!)

Dec 11, 2008

LP : Mahalagang Regalo

Ito ang aking maituturing na mahalagang regalo sa lahat ng materyal na bagay na natanggap ko. Hindi siya regalong pamasko kundi regalo ng aking nobyo noon na asawa ko na ngayon noong aming ipagdiwang ang aming unang buwan bilang magkasinatahan. Ito ay sarili nyang gawa, isang cardboard na puro "smiley" at kung mapapansin nyo, may ukit dinng panagalan ko sa gitna at itoy nasa isang puso. Nakakakilig dahil pinag aksayahan niya ito ng panahong gawin. Naalala ko pa pinabilang nya sa akin ang mga "smiley" na nakaukit doon at binilang ko naman. hindi ko na nga lang maalala kung ilan yun. Naisip nya daw gawin ito sapagkat napakasaya nya daw na ako'y naging kasintahan niya =) Hay....ang sarap gunitain ng ala-alang ito.
Ito ang aking lahok para sa lingong ito - "Ang mahalagang Regalo."



For me, this is the most important gift i ever had among those material things i've ever received. This is not a christmas gift, its a monthsary gift from my bf who is now my husband. This is personally made by him, a cardboard with lots of smileys and if you can notice my name is inside the heart in the middle of those smileys. It's very nice to know that he made this card especially for me. I remember him asking me to count those smileys and i did count it! I dont remember how many are they. He thought of making it because he's very happy that I became her girlfriend =) Hayz, I love rememberng this moments.
This is my entry for this week's topic - "Important Gift"

Dec 4, 2008

Eksayted

Pagmasdan niyo ang aking "future MVP". Nasi ko lamang makita siya na nakasuot ng jersey kaya pinasuot ko sa kanya ang jersey ng kanyang daddy. Napaka-cute di ba? Hehehehhe Eksayted na akong makita siyang lumaki at makita siyang makipaglaro sa kanyang daddy ng basketball at kung ano kaya ang magiging propesyon at hilig niya balang araw.


(Loot at my future MVP. I was so excited to see him what he looks like wearing a jersey so I ask my little boy ETHAN to wear his Dad's jersey. Isn't he cute? hehehehe Can't wait to see my kid grow, playing basketball with his dad and see what will he be in the future.)

Nov 23, 2008

Madumi

Ito si ETHAN, ang aking pangalawa at bunsong anak. Kuha ang larawang ito noong siya'y mag-iisang taon pa lamang, ngayo'y magda-dalawang taon na siya sa darating na Enero.
Maligaya siyang kumakain ng tsokolateng sorbetes sa aming terrace. Wala siyang pakialam kung gaano na siya karumi sa kinakain niya, ang mahalaga, masaya siya at nasasarapan sa kanyang kinakain. =)

My Birthday!

Our Wedding Anniversary

Credits

Femikey